Lunes, Enero 16, 2017

Nilalaman/Balangkas ng mga Pangyayari

Galaw ng Pangyayari:
A.    Pangunahing Pangyayari (Expository) – Ikinukwento ni Uncle Ben ang kaniyang mga naranasan noong taong mil nuwebe siyentos disinuwebe, kung saan siya ay isang klerk sa Niger Company na sumusweldo ng two pounds ten. Sumapi rin siya sa African Club kung saan siya’y naglalaro mga sports, ngunti ang gusto niya talaga ay yung sayawan kung saan maraming magagandang babae. Ikinukwento niya rin kung paano siya maging maingat sa mga babaeng nakapaligid sa kanya, kung paano siya “matulog ng dilat ang isang mata”, at kung paano niya nakilala si Margaret, isang kakaibang babae na sinabihan si Uncle Ben na maging Romano Katoliko.
B.     Pataas na Pangyayari (Rising Action) – Ikinuwento niya kung paanong isang klase lang ng alak ang kaniyang iniinom sa isang araw, at kung paano siya tumigil sa paninigarilyo dahil sa sinabi ng Alemang doctor sa kaniya. Hindi siya nalalasing dahil alam niya kung kalian dapat siya tumigil sa pag-inom ng alak. Ikinuwento niya kung paano nabilanggo ang senior clerk at siya ang pumalit, at kung paano siya nakakita ng isang babae sa kaniyang kama pagkauwi niya.
C.     Kasukdulan (Climax) – Ikinuwento ni Uncle Ben ang kaniyang karanasan sa babaeng nakita niya sa kama. Inakala niyang si Margaret ito at nagagalit ito dahil hindi niya sinama si Margaret sa Club. Inamo-amo niya ang babae at tinanong kung tulog, kung saan nalaman niya na hindi si Margaret iyon at tinanong kung sino ang babae. Sinabi ng babae ang mga salitang “Biko akpakwana oku”, at itinanong ulit ni Uncle Ben kung sino ang babae, ngayong nalaman niyang hindi puti ang babae. Inakit ng babae si Uncle Ben, ngunit sinindihan lamang ni Uncle Ben ang posporo para makita ang itsura ng babae.
D.    Kakalasan (Falling Action) – Hindi maalala ng buo ni Uncle Ben ang mga pangyayari sa loob ng kaniyang kwarto, ngunit sigurado siyang kumaripas siya ng takbo papuntang bahay ni Matthew Obi, kung saan siya ay pinapasok at nalaman niya sa kanilang pag-uusap na si Mami Wata ang bumisita sa kwarto ng gabing iyon.

E.     Wakas (Denouement) – Nalaman ni Uncle Ben na kung yaman ang hanap niya, dapat nagpaakit siya ngunit kung pamilya naman ang mas importante sa kanya, tama lang ang kaniyang ginawa. Ikinukwento na lamang niya ang kaniyang naranasan sa kaniyang mga anak, at kung anong nangyari kay Mami Wata pagkatapos ng gabing iyon. Nagpunta si Mami Wata kay Dr. J.M. Stuart-Young, at naging kalaguyo nito si Mami Wata ngunit wala silang naging anak. Naging pinakamayamang tao nga si Dr. J.M. ngunit noong kamatayan niya, ang lahat ng yaman niya ay napunta lamang sa iba.