Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay parang
nagkukwento lang ng informal o pasalaysay na nagbibigay imahe rin sa lipunan ng
may akda. Ang akda ay gumamit ng pamilyar na bokabularyo at conventional na
lengwahe na kung saan ang nakararami ay nakakaintindi, maliban nalang sa mga
salitang hindi namin alam ang kahulugan, halimbawa nalang ay yung “Biko
akpakwana oku”. Naging informal ang dating nito dahil sa parang
pagka-friendly environment ng pakukuwento ng mga pangyayari.
Mapapansin din ang pattern sa akda na sa bawat na magkakaibang
sitwasyon ay may parang prinsipiyo o kasabihan ang bawat isa, halimbawa nalang
ay sinabi ni Uncle Ben na ayaw niyang pinupuntahan siya ng mga babae sa bahay
at sumunod ay may naka-quote na “For every rule there must be an exception”,
isa pang halimbawa ay sa parte na kung saan ang mga lalaki ay nagpakahangal sa
mga babae ng Uhuru at sumunod ay may naka-quote na “Mag-ingat kapag labis na
magiliw ang pagbati sa iyo.”.