Ang pangkalahatang layunin ng akdang ito ay magbigay
aral sa pamamagitan ng pag-unawa sa umiiral na suliranin sa storya, na kung
saan ang kahalagahan ng pamilya kaysa sa kayamanan ay natitimbang at
napapahalagahan. Layunin din nitong magbigay kamalayan sa kontrol ng tao sa
kanyang sarili, isang halimbawa nito ay ang mga lalaki sa storya ay
nagpakahangal sa mga babae ng Uhuru.
Ang nakikita naming mga umiiral na Teoryang
Pampanitikan sa akda ay Eksistensyalismo at Moralistiko. Naglalayon ito sa
Eksistensiyalismo sapagkat ang bida sa akda ang gumagawa at nagdedesisyon kung
ano ang gusto niyang gawin at ang mga desisyong ito ay may mga karampatang
resulta kaya kailangan maging maingat sa pagpili, halimbawa nalang ay nung
pumipili si Uncle Ben kung pamilya ba o kayaman, na pinili niya naman ang
kanyang pamilya na nagresulta sa magandang wakas. Ang akda naman ay naglalayon
sa teoryang Moralistiko sapagkat bawat sitwasyon sa akda ay nagkakaroon ng
pagtitimbang sa mali at tama na maiihantulad parin natin sa sitwasyon kung saan
mas pinili ni Uncle Ben ang pamilya kaysa kayamanan.