Martes, Enero 17, 2017

Pagkilala sa May-akda

Bayograpiya ni Chinua Achebe

Si Albert Chinualumogu Achebe ay isang Nigerian na ipinanganak noong Nobyembre 15, 1930 sa Ogidi sa Silangang Nigeria. Siya ay naging isang novelist, poet, professor, at critic. Ang kaniyang kauna-unahang nobelang naisulat ay ang “Things Fall Apart” (1958) na naging sikat sa modernong literatura ng Africa. Lagi siyang nangunguna sa klase noon kung kaya’y nakakuha siya ng pagkakataong maging iskolar at makapag-aral ng medisina ngunit siya ay nag-aral ng English literature sa University College (ngayon ay University of Ibadan). Nag-aaral pa lamang siya sa unibersidad ng magsimula na siyang magsulat ng mga nobela at libro tungkol sa mga relihiyon at iba’t ibang tradisyon ng mapukaw nito ang kaniyang interes at pansin. Pagkatapos niyang mag-aral ay nagtrabaho siya sa Nigerian Broadcasting Service at lumipat sa Laos. Marami rin siyang natanggap na gantimpala tulad na lamang ng Margaret Wrong Prize, New Statesman Jock Campbell Prize, Commonwealth Poetry Prize at 2007 Man Booker International. Itinalaga si Achebe bilang deputy national president ng People’s Redemption Party noong 1983 at tinatag niya ang Uwa ndi Igbo, isang bilingual na magasin. Taong 1990, habang ipinagdiriwang ang kanyang ika-60 na kaarawan, nasangkot sa isang aksidente si Achebe na naging dahilan ng kaniyang pagkalumpo. Namatay siya noong Marso 21, 2013 sa Boston, Massachusetts kung saan siya nagtuturo bilang university professor ng African studies. Ilan sa kaniyang mga naisulat ay ang mga sumusunod:

-Things Fall Apart
-No Longer at Ease
-Arrow of God
-A Man of the People
-Anthills of the Savannah

Lunes, Enero 16, 2017

Uri ng Panitikan

Ang pinili ni Uncle Ben ay isang maikling kuwento o ang isang salaysay hinggil sa isang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang nagpapakita ng moral na kritisismo. Ipinahahayag ng manunulat na ang kayamanan ay hindi hihigit sa importansya ng pamilya at pagmamahal.

Layunin ng Akda

Ang pangkalahatang layunin ng akdang ito ay magbigay aral sa pamamagitan ng pag-unawa sa umiiral na suliranin sa storya, na kung saan ang kahalagahan ng pamilya kaysa sa kayamanan ay natitimbang at napapahalagahan. Layunin din nitong magbigay kamalayan sa kontrol ng tao sa kanyang sarili, isang halimbawa nito ay ang mga lalaki sa storya ay nagpakahangal sa mga babae ng Uhuru.

Ang nakikita naming mga umiiral na Teoryang Pampanitikan sa akda ay Eksistensyalismo at Moralistiko. Naglalayon ito sa Eksistensiyalismo sapagkat ang bida sa akda ang gumagawa at nagdedesisyon kung ano ang gusto niyang gawin at ang mga desisyong ito ay may mga karampatang resulta kaya kailangan maging maingat sa pagpili, halimbawa nalang ay nung pumipili si Uncle Ben kung pamilya ba o kayaman, na pinili niya naman ang kanyang pamilya na nagresulta sa magandang wakas. Ang akda naman ay naglalayon sa teoryang Moralistiko sapagkat bawat sitwasyon sa akda ay nagkakaroon ng pagtitimbang sa mali at tama na maiihantulad parin natin sa sitwasyon kung saan mas pinili ni Uncle Ben ang pamilya kaysa kayamanan.

Tema o Paksa ng Akda

Ang tema ng maikling kuwento ay tungkol sa kung gaano kaimportante ang pamilya sa kultura ng Nigeria. Kung saan hindi nagpadala si Uncle Ben sa tukso ni Mami Wata na maging romano katoliko si Ben ngunit mas pinili niyang makuntento sa kanyang sariling kultura. Ipinahayag ng manunulat ang halaga ng kayamanan kung wala ka ring pamilyang pagbabahagian nito.

Mga Tauhan/Karakter ng Akda

Mga Tauhan:
A.    Uncle Ben – Kilala rin bilang “Jolly Ben”. Isa siyang clerk sa Niger Company sa Umuru na sumusweldo ng tow pounds ten. Kasali sa African Club kung saan siya ay naglalaro ng tennis at bilyar.
B.     Margaret – Isang babaing mataas at manila-nilaw ang balat. Inaya si Uncle Ben na gawing Romano Katoliko ang kaniyang relihiyon.
C.     Doktor na Aleman – Pinaalalahanan si Uncle Ben na kasing-itim na ng kaldero ang kanyang puso sa paninigarilyo.
D.    Senior clerk – Nabilanggo dahil nagnakaw ng ilang paldo ng kaliko; pinalitan ni Uncle Ben.
E.     G.B. Olivant – Nakatira sa lugar na makikita ang Ilog Niger.
F.      Mami Wata – Diwata ng Niger na bumisita at sinubukang akitin si Uncle Ben.
G.    Matthew Obi – Kaibigan ni Uncle Ben na sinabing si Mami Wata ang babaeng nasa kwarto niya.
H.    Dr. J.M. Stuart-Young – Isang komersiyanteng puti na naging kalaguyo ni Mami Wata. Ang pinakamayamang tao sa buong mundo, ngunit namatay ng walang anak.

Tapuan/Panahon

A.    Sa Niger Company kung saan nagtatrabaho si Uncle Ben
B.     Sa Club kung saan siya umiinom at nakikisama sa iba
C.     Sa kaniyang bahay, kung saan siya binisita ni Mami Wata
D.   Sa bahay ni Matthew Obi, kung saan niya nalaman ang pagkakakilanlan ng babeng bumisita sa kanya

Buod

Si Ben o Uncle Ben o mas kilala na Jolly Ben ay isang klerk sa Niger Company noong taong mil nuwebe siyentos disinuwebe at ang isang klerk noong panahong iyon ay katumbas na rin ng ministro sa kasalukuyan. Ang taong saro sa kanilang kompanya ay ang may pinakamataas na posisyon noon na para sa kanila ay para ring isang Gobernador-Heneral. Jolly Ben ang tawag ng lahat sa kanya. Sinabi sa kanya ng kanyang ama na kailangan niya matutong matulog na dilat ang isang mata para maging isang tunay na anak na bayan. Sadyang matatalas ang mga babae sa Uhura dahil bumibilang ka pa lamang ng isa ay nakakabilang na sila ng dalawa. Kaya ang bilin sa kanya ng kaniyang ama ay kailangang mag-ingat kapag labis ang pagbati sa kanya. Ngunit iba sakanila si Margaret na may malinaw na balat. Gusto ni Margaret na si Ben ay maging Romano Katoliko. Pumunta si Ben sa club dahil bagong taon at makapal nanaman ang bulsa. Natatawa siya sa mga kabataan dahil hindi nila alam ang ibig sabihin ng pag-inom at hindi niya pinaghahalo ang kanyang mga iniinom. Umuwi siya para matulog ngunit noong panahon na iyon ay nabilanggo ang kanilang senior clerk kaya si Ben naman ang pumalit sa kanya. May nakita siyang babae sa kaniyang katre at inisip niya na baka si Margaret iyon ngunit kahit anong paamo at tanong niya rito ay ayaw paring magsalita. Pinapalapit siya ng babae sa katre at sasabihin daw niya kung sino siya habang si Ben ay nangangatog at ang tono ng kanyang boses. Kaya naman ay kumaripas siya ng takbo papunta sa bahay ni Matthew, sumisigaw at kinakalampag ang pinto. Sinabi sa kanya ni Matthew na binisita siya ni Mami Wata na isang diwatang Niger at kung yaman din lang ang hangad nito ay nagkamali siya sa kaniyang ginawa. Sinabi niya sa mga asawa niya na dapat ay pinili na lang si Mami Wata at agad silang magtatawanan at alam naman nila na biro lamang iyon. Anong nangyari nang mamatay si Dr. J.M Stuart-Young ang lahat ng kayaman niya ay napunta saiba dahil hindi pumayag si Mami Wata na magpakasal sa kanya. Yan ba ang hangad nating yaman? Sana hindi!

Istilo ng Pagkakasulat ng Akda

Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay parang nagkukwento lang ng informal o pasalaysay na nagbibigay imahe rin sa lipunan ng may akda. Ang akda ay gumamit ng pamilyar na bokabularyo at conventional na lengwahe na kung saan ang nakararami ay nakakaintindi, maliban nalang sa mga salitang hindi namin alam ang kahulugan, halimbawa nalang ay yung “Biko akpakwana oku”. Naging informal ang dating nito dahil sa parang pagka-friendly environment ng pakukuwento ng mga pangyayari.

Mapapansin din ang pattern sa akda na sa bawat na magkakaibang sitwasyon ay may parang prinsipiyo o kasabihan ang bawat isa, halimbawa nalang ay sinabi ni Uncle Ben na ayaw niyang pinupuntahan siya ng mga babae sa bahay at sumunod ay may naka-quote na “For every rule there must be an exception”, isa pang halimbawa ay sa parte na kung saan ang mga lalaki ay nagpakahangal sa mga babae ng Uhuru at sumunod ay may naka-quote na “Mag-ingat kapag labis na magiliw ang pagbati sa iyo.”. 

Mga Kaisipan o Ideyang taglay ng Akda

Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda
- Ang isang tunay na anak ng bayan ay dapat matutong matulog ng dilat ang isang mata.
- Kung hindi ko kayang bumili ng bago tumatahimik na lang ako, iyan ang aking prinsipyo.
- Ang mga doktor na yon ay parang mga espiritu.
- Kung ayaw mong malasing, matuto kang sumagot ng hindi.
- For every rule there must be an exception.
- Kung yaman ang hanap mo, magkamali ka sa ginawa mo, pero kung ikaw ay tunay na anak ng ama mo, tanggapin mo ang aking pagbati

- Hindi sinabi sa atin n gating mga nuno na ang dapat nating piliin ay yaman sa halip na mga asawa at anak.

Nilalaman/Balangkas ng mga Pangyayari

Galaw ng Pangyayari:
A.    Pangunahing Pangyayari (Expository) – Ikinukwento ni Uncle Ben ang kaniyang mga naranasan noong taong mil nuwebe siyentos disinuwebe, kung saan siya ay isang klerk sa Niger Company na sumusweldo ng two pounds ten. Sumapi rin siya sa African Club kung saan siya’y naglalaro mga sports, ngunti ang gusto niya talaga ay yung sayawan kung saan maraming magagandang babae. Ikinukwento niya rin kung paano siya maging maingat sa mga babaeng nakapaligid sa kanya, kung paano siya “matulog ng dilat ang isang mata”, at kung paano niya nakilala si Margaret, isang kakaibang babae na sinabihan si Uncle Ben na maging Romano Katoliko.
B.     Pataas na Pangyayari (Rising Action) – Ikinuwento niya kung paanong isang klase lang ng alak ang kaniyang iniinom sa isang araw, at kung paano siya tumigil sa paninigarilyo dahil sa sinabi ng Alemang doctor sa kaniya. Hindi siya nalalasing dahil alam niya kung kalian dapat siya tumigil sa pag-inom ng alak. Ikinuwento niya kung paano nabilanggo ang senior clerk at siya ang pumalit, at kung paano siya nakakita ng isang babae sa kaniyang kama pagkauwi niya.
C.     Kasukdulan (Climax) – Ikinuwento ni Uncle Ben ang kaniyang karanasan sa babaeng nakita niya sa kama. Inakala niyang si Margaret ito at nagagalit ito dahil hindi niya sinama si Margaret sa Club. Inamo-amo niya ang babae at tinanong kung tulog, kung saan nalaman niya na hindi si Margaret iyon at tinanong kung sino ang babae. Sinabi ng babae ang mga salitang “Biko akpakwana oku”, at itinanong ulit ni Uncle Ben kung sino ang babae, ngayong nalaman niyang hindi puti ang babae. Inakit ng babae si Uncle Ben, ngunit sinindihan lamang ni Uncle Ben ang posporo para makita ang itsura ng babae.
D.    Kakalasan (Falling Action) – Hindi maalala ng buo ni Uncle Ben ang mga pangyayari sa loob ng kaniyang kwarto, ngunit sigurado siyang kumaripas siya ng takbo papuntang bahay ni Matthew Obi, kung saan siya ay pinapasok at nalaman niya sa kanilang pag-uusap na si Mami Wata ang bumisita sa kwarto ng gabing iyon.

E.     Wakas (Denouement) – Nalaman ni Uncle Ben na kung yaman ang hanap niya, dapat nagpaakit siya ngunit kung pamilya naman ang mas importante sa kanya, tama lang ang kaniyang ginawa. Ikinukwento na lamang niya ang kaniyang naranasan sa kaniyang mga anak, at kung anong nangyari kay Mami Wata pagkatapos ng gabing iyon. Nagpunta si Mami Wata kay Dr. J.M. Stuart-Young, at naging kalaguyo nito si Mami Wata ngunit wala silang naging anak. Naging pinakamayamang tao nga si Dr. J.M. ngunit noong kamatayan niya, ang lahat ng yaman niya ay napunta lamang sa iba.