Bayograpiya ni Chinua Achebe
Si Albert Chinualumogu Achebe ay isang Nigerian na
ipinanganak noong Nobyembre 15, 1930 sa Ogidi sa Silangang Nigeria. Siya ay
naging isang novelist, poet, professor, at critic. Ang kaniyang kauna-unahang
nobelang naisulat ay ang “Things Fall Apart” (1958) na naging sikat sa
modernong literatura ng Africa. Lagi siyang nangunguna sa klase noon kung
kaya’y nakakuha siya ng pagkakataong maging iskolar at makapag-aral ng medisina
ngunit siya ay nag-aral ng English literature sa University College (ngayon ay
University of Ibadan). Nag-aaral pa lamang siya sa unibersidad ng magsimula na
siyang magsulat ng mga nobela at libro tungkol sa mga relihiyon at iba’t ibang
tradisyon ng mapukaw nito ang kaniyang interes at pansin. Pagkatapos niyang
mag-aral ay nagtrabaho siya sa Nigerian Broadcasting Service at lumipat sa
Laos. Marami rin siyang natanggap na gantimpala tulad na lamang ng Margaret
Wrong Prize, New Statesman Jock Campbell Prize, Commonwealth Poetry Prize at
2007 Man Booker International. Itinalaga si Achebe bilang deputy national
president ng People’s Redemption Party noong 1983 at tinatag niya ang Uwa ndi
Igbo, isang bilingual na magasin. Taong 1990, habang ipinagdiriwang ang kanyang
ika-60 na kaarawan, nasangkot sa isang aksidente si Achebe na naging dahilan ng
kaniyang pagkalumpo. Namatay siya noong Marso 21, 2013 sa Boston, Massachusetts
kung saan siya nagtuturo bilang university professor ng African studies. Ilan
sa kaniyang mga naisulat ay ang mga sumusunod:
-Things Fall Apart
-No Longer at Ease
-Arrow of God
-A Man of the People
-Anthills of the Savannah